-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isa na namang yugto ng Dugong Bombo ang matagumpay na nairaos ng Bombo Radyo Iloilo.
Ang nasabing blood letting activity ay bunga ng pagtutulungan ng local government unit ng Dingle, Iloilo at Philippine Red Cross.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Merlyn Figueroa, presidente ng barangay health worker sa Dingle, Iloilo, sinabi nito na bawat barangay sa nasabing bayan ay nagpadala ng mga blood donor.
Layunin ng isinasagawang Dugong Bombo na makalikom ng dugo na kinakailangan ng mga kababayan na maysakit tulad na lamang ng mga sumasailalim sa dialysis, blood transfusion at iba pa.