Kinumpirma ng PNP Crime Laboratory na dugo ng hazing victim na si Horacio Castillo ang nasa paddle na nakuha sa library ng Aegis Juris Fraternity kamakailan.

Ito ang kinumpirma P/Chief Insp Lorna Santos ng DNA Analysis Branch ng PNP Crime Lab.

Sinabi ni Santos na kanilang isinailalim sa DNA testing ang mga magulang ni Atio na siyang naging basehan.

Pahayag ni Santos, 99.99 percent ang accuracy ng resulta.

Bukod sa paddle, kasama rin sa sinuri ang mantsa ng dugo sa puting tshirt ni Atio.