-- Advertisements --

Itinanggi ni pop star Dua Lipa na kaniyang sinibak ang isa niyang agents dahil sa pananaw nito ukol sa Israel.

Reaksyon ito ng singer sa usapin ng pagkalas ng kaniyang agent na si David Levy ng pigilan niya ang Irish band na Kneecap na magtanghal sa Glastonbury Fesitval.

Giit ng singer na isang fake news ang kumalat dahil mula pa noong 2019 ay wala na sa poder nito.

Paglilinaw pa ng singer ay kasama siya sa mga komokondina sa ginagawang pag-atake ng Israel sa Gaza.