Makikipag-ugnayan pa raw ang Department of Trade and Industry (DTI) sa DOH hinggil sa plano nitong pagtataas sa suggested retail price (SRP) ng mga face mask.

Ito ang sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo bilang tugon sa lumobo rin umanong presyo ng materyales sa paggawa ng nasabing produkto.

Sa ngayon kasi, naglalaro sa P1 hanggang P8 ang SRP per piece ng mga surgial mask.

Pero kung maaaprubahan daw ang increase sa presyo nito ay tiyak na hanggang P12 lang ang magiging halaga nito sa merkado.