Pinaaaksiyunan ng isang mambabatas sa Department of Trade and Industry (DTI) ang napaulat na bentahan ng porn equipment at materials online.
Ayon kay Deputy Speaker Benny Abante, posible raw kasing nagagamit ang mga porn equipments at materials sa pagpo-produce ng child pornography lalo na’t lumabas mula sa report ng Anti Money Laundering Council (AMLC) na may kahina-hinalang P113.1 million transaction na kinasasangkutan ng child pornography dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Abante na kailangang habulin ng mga otordad ang malalaking online shopping application gaya ng Lazada at Shoppee na nagbebenta ng mga port equipment at meterials.
Kailangan din umanong matukoy at mapatigil ang pagbebenta nito gamit ang mga shopping application.
Naniniwala naman si Justice Sec. Menardo Guevarra na ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang posibleng isa sa mga dahilan kung bakit halos na-doble ang transaction na mula P65.8 million noong 2019 ay naging naging mahigit P113 million noong nakaraang taon.
Sa public bulletin ng AMLC na mayroong titulong “Child pornography in the Philippines,” ipinakita nito ang volume ng suspicious transaction reports (STRs) na pumalo na sa 27,217 mula Enero hanggang Hunyo 2020 o mahigit 2.5 times na mas mataas sa 10,627 na nai-report noong 2019.
At dahil sa nararanasang pandemic, idinadaan na umano ang transaction sa pamamagitan ng electronic wallets na accessible sa mga mobile phones at iba pang devices.
Mula Enero 2019 hanggang June 2020 lumalabas sa report na 68.4 percent ang international remittances mula sa mga bansang US, Australia, Canada, Saudi Arabia, United Kingdom, Norway, United Arab Emirates, Korea at Singapore.
Nanguna naman daw ang lalawigan ng Pampanga sa listahan ng mga recipients ng mga remittances na may kaugnayan sa child pornography kung pag-uusapan ang volume at value.
Sinundan ito ng Cebu, Bulacan, Cavite at Quezon City.
Ang mga naturang lugar ayon kay Guevarra ay mga lugar na tinamaan ng kahiparaan na dulot ng pandemic.
Nangako si Guevarra na gagawin ng IACAT na co-chair ang DoJ at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat para matuldukan na ang online sexual exploitation of children (OSEC) dito sa bansa.
Sa katunayan marami na umanong naihaing kasosa korte kaugnay ng naturang isyu at sigurado raw na mananagot ang mga nasa likod nito.
Noong Disyembre lamang nang lumabas ang mga report na naglipana ang “Christmas sale” ng mga sensual photos at videos ng mga estudyante at kabataan sa internet para makapag-ipon ng pera para sa distance learning-related expenses.
Mayroon daw grupo sa social media partikular ang Philippine Online Student Tambayan (POST), na isang news portal para sa mga student sector.
Ginagamit daw ng mga estudyante ang #AlterPH, #AlterPinay at #AlterPhilippines sa Twitter para ibenta ang kanilang larawan at mga videos.
Noong Disyembre, mayroon daw tinatawag na Christmas bundle na naglalaman ng photos at videos na nakikita pa ang mukha ng mga estudyante at naibebenta sa halagang P150.