Aminado si Department of Trade and Industry (DT) Secretary Ramon Lopez na magiging mahirap para sa pamahalaan ang pag-demand ng price cap o price ceiling sa COVID-19 vaccines.
Pinag-uukulan aniya ng research at development investment ang mga bakuna kung kaya’t hindi basta-basta makapaglalagay ng price cap.
Posible pa rin naman daw na magbago ang presyo ng naturang bakuna sa oras na may iba pang gamot na maging available sa merkado.
Sa kabila nito, siniguro pa rin ng gobyerno na magiging libre para sa mga mahihirap ang COVID vaccines.
Magugunita na ipinag-utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing prayoridad ang mga mahhihrap, security forces, government frontline workers at ang mga healthcare workers sa Pilipinas.
Kasabay na rin ito nang pinaplano ng pamahalaan na bumili ng inisyal na 50 million doses ng COVID vaccines para sa 25 milyong Pilipino sa susunod na taon.
Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire na posibleng sa susunod na linggo ay ilabas na ng Department of Health at DTI ang price cap para sa mga gamot.
















