-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mambabatas na ipasa na ang Internet Tranasactions Act (ITA).
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ang batas ay siyang magbibigay proteksyon sa mga mamimili ganun din sa mga online sellers.
Naniniwala ito na ang nasabing batas ay magbibigay ng tiwala sa panig ng sellers at customers nila para sa ligtas na transaksyon nila online.
Kapag naipasa na ang nasabing batas ay mabibigyan na ng kapangyarihan ang DTI na suspendihin o tanggalin ang mga websites na sangkot sa mga iligal transaksyon.










