-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) ang malawak na naaabot ng Zero Balance billing (ZBB) program ng pamahlaan.

Nairehistro kasi ng ahensiya ang hanggang 2.1 million na pasyente na hindi na nagbayad ng kani-kanilang bill dahil ang PH government na ang sumagot sa kanilang pagpapagamot.

Kung susumahin ang nagamit na pondo para sa mahigit 2.1 million paseynte, aabot sa P135 billion ang naibayad ng gobiyerno bilang hospital bill.

Sa ilalim ng NBB, ang mga kwalipikadong pasyente tulad ng mga mahihirap, senior, at indigent members ay hindi na magbabayad ng dagdag na bill maliban sa sasaklawin ng Philhealth.

Kung sumobra sa Philhealth package ang bill ng mga naturang pasyente, bahala na ang gobiyerno na sasagot dito, kasama ang pagsagot sa basic accommodation sa mga government hospital.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, dahil sa naturang programa ay wala nang Pilipino ang mamamatay na lang na hindi nakakapag-pagamot o nadadala sa mga pagamutan.

Sa kasalukuyan ay mayroong 83 hospital na nasa ilalim ng DOH na maaaring tunguhin ng mga Pilipino. Ang mga ito ay pawang nagpapatupad ng NBB. (report by Bombo Jai)