-- Advertisements --

Nakatakdang simulan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglalabas ng desisyon nito kaugnay sa hirit na taas presyo sa basic necessities and prime commodities (BNPC) ngayong Enero.

Mula sa 217 BNPC sa suggested retail price bulletin na inisyu ng DTI, inihayag ni Trade Assistant Secretary Amanda Nograles na nakatanggap ang ahensiya ng mga request para sa price adjustment ng 63 produkto.

Ayon sa DTI official, kabilang sa mga produktong hiniling na magkaroon ng price adjustments ay sa canned sardines, processed milk, coffee, bread, instant noodles, bottled water, processed canned meat and canned beef, condiments, toilet soap, mga kandila at mga baterya.

Para sa food items, inihihirit ng mga manufacturer na magkaroon ng P0.25 hangang P7.25 na price adjustments.

Paliwanag naman ni Trade Sec. Alfredo Pascual na ang pangunahing dahilan ng price increase ay dahil sa pagtaas ng halaga ng packaging at transportasyon ng mga goods.