-- Advertisements --

Aabot na sa P3.5 milyong halaga ng mga iligal na vape products ang nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ay kasunod ng ginagawang paghihigpit ng gobyerno laban sa mga lumalabag sa Vape Law.

Sinabi ni DTI Usec Ruth Castelo na mayroon na ring 21,708 ang notice of violation ang kanilang inilabas para sa mga online sellers ng vape.

Sa Metro Manila lamang aniya ay nasa mahigit 500 vape shops ang kanilang nainspeksyon at inaasahang madadagdagan pa ito dahil sa pinaigting na kampanya nila.

Nanawagan din ang opisyal sa mga nagbebenta ng vape products na tumalima sa mga regulasyong itinakda ng batas dahil hindi aniya magdadalawang isip ang ahensiya na ipasara ang kanilang negosyo.