Pinahintulutan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga local government units (LGUs) na magtakda ng schedule sa reopening ng mga gyms, internet cafés, at iba pang mga negosyo sa kanikanilang mga lugar.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, ang LGUs ang siyang mag-assess sa health risk ng lokasyon ng mga negosyong ito sa gitna ng banta ng COVID-19.
May ilang mga alkalde aniya ang nagsabi na nais na nilang pahintulutan na magbukas ulit ang operasyon ng mga gyms at internet cafés sa mga lugar na hindi naman masikip para maiwasana ng posibilidad na magkakahawaan ng COVID-19 virus.
Ipinaalala naman din ni Lopez na may standard at additional guidelines na inilabas ang DTI katulad na lamang nang pagbubukas ng pinto o paglagay ng air purifiers para sa mas magandang air ciculation.
Mababatid na noong Agosto 31 pa pinayagan ng DTI ang reopening ng mga fitness gyms, drive-in cinemas, computer shops, at iba pang mga business establishments sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) status.