-- Advertisements --
image 514

Ipinag-utos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-freeze ng mga presyo ng basic necessities sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ay kasunod ng paglalabas ng opisina ng DTI sa Mimaropa ng price freeze bulletin sa Oriental Mindoro.

Ayon sa ahensiya, epektibo ang price cap sa Pola, Naujan, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay at bayan ng Bulalacao sa Oriental Mindoro, na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa oil spill.

Ilan sa saklaw sa price freeze ay ang canned fish at iba pang marine products, processed milk, coffee, laundry o detergent soap, candles, bread, iodized salt, instant noodles at bottled water.

Nagpaalala naman ang DTI na mahaharap sa pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon o multa na papalo sa P5000 hanggang P1 million o pareho ang lalabag sa umiiral na price freeze.