-- Advertisements --
Ipinaliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) ang kalahagahan ng P300-milyon na program nila.
Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na ang nasabing programa ay magtataguyod sila ng “strike Force” na siyang lalaban sa mga hoarders, scammers at mga mapagsamantalang negosyante.
Paglilinaw pa ng kalihim na ang nasabing pondo ay hiwalay para sa consumer protection.
Ang nasabing plano ay para gawing centralized na ang consumer protection activities sa kanilang head office at tuluyang mabantayan ang mga mapagsamantalang negosyante.