-- Advertisements --
Patuloy ang paghikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWD) na gamitin ang kanilang 5 percent special discounts para sa mga basic necessities at prime commodities.
Ang nasabing 5 percent na discount ay bukod pa sa 20 percent regular discount na sumasakop sa mga iba’t-ibang bilihin at serbisyo.
Paliwanag pa ng DTI na ang mga senior citizens at PWD ay maaaring makabili ng hanggang P1,300 kada linggo ng online at mga offline para sa kanilang personal at exclusive consumption.
Nanawagan din ang DTI na isumbong lamang sa kanila ang sinumang establishimento na hindi magbibigay na diskwento sa mga senior citizens at mga PWD na ito ay nakapaloob sa batas.