-- Advertisements --

Dinagdagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga produkto na maaaring limitadong bibilihin.

Kabilang dito ang 10 piraso lamang kada indibidwal ang bibilihin nitong de-latang sardinas, corned beef at baboy.

Tig-aapat na piraso lamang ang bibilihin sa disinfectant wipes, toothpaste, mouthwash, cooking oil.

Limitado lamang sa dalawang bote o pakete ang mga panimpla, sabong panlaba na dalawang bundle o 2 bareta habang anim na pakete lamang mga dried fish.

Magugunitang una ng nilimitahan ng DTI ang mga mabibiling alcohol, instant noodles, toilet paper, kape, gatas, tinapay sa mga grocery.

Sinabi DTI undersecretary Ruth Castelo na ang nasabing hakbang ay para maiwasan ang pag-hoarding ng mga bilihin.