Plano ni Trade Secretary Alfredo Pascual na bumisita sa China sa unang bahagi ng ikatlong quarter ng kasalukuyang taon para makapang-engganyo ng mas maraming mamumuhunan kasabay ng paghahanda sa partisipasyon sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ang China ay bahagi ng RCEP na kasunduan sa malayang kalakalan sa pagitan ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kabilanga ng South Korea, Australia at New Zeland.
Kumpiyansa ang DTI chief sa interes ng Chinese enterprises sa pag-invest sa ating bansa.
Maaaring pag-usapan aniya ang investments sa pagproseso ng minerals na tatalakayin din sa American at mga kompaniya sa Europa.
Gayundin sa usapin sa manufacturing at nais din ng DTI chief na makausap ang mga kompaniya na may negosyo sa iba’t ibang mga lugar at maaring mailagay ang ilan sa mga ito sa ating bansa.
Interesado din aniya ang China sa tropical food gaya ng durian.
Una ng inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nakakolekta ng $22 billion sa investment pledges sa kaniyang pagbisita sa China noong Enero.