-- Advertisements --
image 373

Ipinag-utos na ni Department of Trade and Industry sa mga regional directors sa buong bansa na bantayan ang presyo ng mga school supplies, kasunod ng nalalapit na pasukan ng mga mag-aaral ang mga bata.

Ayon kay Sec Alfredo Pascual, inatasan na niya ang mga regional heads upang sila mismo ang maglibot sa mga merkado.

Kabilang sa mga dapat tiyakin ng mga regional heads ay ang sapat na supply ng mga gamit ng mga mag-aaral, at tamang presyo ng mga ito.

Kailangan din aniyang tiyakin ngmga regional heads na angmga ibinebentang school supplies ay pumasa sa pagsusuri ng Food and Drugs Adminsitration, at ligtas na gamitin ngmga bata.

kasabay nito, patuloy pa ring nananawagan ang kalihim sa publiko na ireport sa DTI, lalo na sa kanilangmga field offices ang makikitang posibleng magmamanipula sa presyuhan ng mga school supplies kasabay ng nalalapit na pasukan.