Wala pa ring patid ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad sa huling quarter ng nakaraang taon.
Kasama na ang mga naapektuhan ng shear line at lindol na tumama kamakailan sa malaking bahagi Eastern Visayas at Mindanao.
Nasimulan na rin ng DSWD Eastern Visayas Field Office ang distribution ng Emergency Cash Transfer Northern Samar.
Aabot naman sa kabuuang 13,418 na mga pamilya ang nakinabang dito.
Naiabot na rin ng DSWD Field Office 12 (SOCCSKSARGEN) ang tinatayang P75.4 milyon na halaga ng ayuda para sa 5,112 pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Samantala, iniulat rin ng DSWD Caraga Field Office na aabot na sa higit 4,000 pamilya ang naserbisyohan ng kanilang payout noong January 23- 26.
Partiklar itong inilaan sa mga pamilya na naapektuhan ng tumamang 7.4 magnitude na lindol noong Disyembre ng nakaraang taon.
Batay sa datos ng ahensya, pumalo na sa kabuuang P167.9 milyon ang halagang naipamahagi ng DSWD field offices sa mga naapektuhang bayan.
Kabilang na rito ang mga bayan sa Northern Samar, Sarangani, at Surigao
Tiniyak naman ng ahensya na magpapatuloy ang payout activities sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan sa mga nabangit na lalawigan.