-- Advertisements --
image 490

Tiniyak ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa mga pamilya na apektado ng nagdaang super typhoon Egay na magpapatupad ang pamahalaan ng emergency cash transfers at cash-for-work programs para matulungan ang mga ito sa kanilang recovery.

Sinabi ng kalihim na ang naturang mga programa ay ipapatupad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ahensiya kaugnay sa early recovery at rehabilitation ng mga indibidwal na sinalanta ng bagyo.

Ayon pa sa DSWD chief, tatakbo ang naturang programa sa loob ng 30 hanggang 45 araw.

Maliban dito ay magbibigay din ng alternatibong kabuhayan para sa mga apektadong pamilya.

Ipinag-utos na rin ng kalihim sa lahat ng Regional directors ng DSWD na siguraduhing hindi maaantala at mabilis na maipapadala ang mga tulong sa mga apektadong komunidad.

Ang intial salvo aniya ay ang pamamahagi ng family food packs upang matiyak na walang magugutom at simulan ang pamamahagi ng tulong pinansiyal para muling makabangon ang mga residente na naantala kanilang kabuhayan dahil sa pananalasa ng bagyo.

Ngayong araw ng Sabado, kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si DSWD Sec. Gatchalian sa namahagi ng food packs at cash assistance sa may bayan ng Bangued sa lalawigan ng Abra gayundin sa Laoag at Ilocos Norte na matinding sinalanta ng nagdaang super typhoon.