-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Special Assistant to the Secretary (SAS) and Concurrent Director of the National Resource Logistics and Management Bureau (NRLMB) Leo Quintilla sa representatives of the United States Agency for International Development (USAID Philippines) U.S. Navy, US Marine, Philippine Air Force (PAF), at Office of Civil Defense PH (OCD) ngayong Linggo (February 11) para matiyak ang maayos na paghahatid ng mga family food packs (FFPs) na dadalhin ng US C-130 plane sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Ang mga FFP na karga ng US cargo plane ay dadalhin sa Davao Region para ipamahagi sa mga local government units (LGUs) na apektado ng low pressure area at shear line na tumama sa Davao Region noong huling bahagi ng Enero.

Pinagunahan ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang tuluy-tuloy na pamamahagi ng relief aid sa Mindanao bilang isa sa pinakamalaking disaster response efforts ng ahensya alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos na paigtingin ang pagbibigay ng tulong sa Davao Region sa pamamagitan ng whole-of-government approach.