-- Advertisements --

Iniimbestigahan na Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung papaanong napunta sa isa non-government organization ang relief goods ng ahensya para sa sinalanta ng landslide sa Banaue Ifugao.

Sinabi ni Secretary Erwin Tulfo na iniimbestigahan na nila ang isang local government unit (LGU) kung papaanong naibigay sa Angat Buhay Foundation ang relief goods ng ahensya.

Iginiit ni Tulfo, bawal idaan sa NGO ang anumang relief goods kung saan mahigpit umano itong ipinagbabawal.

Sa inilabas na mga litrato ng isang news website, tila inihalo daw sa relief operation ng Angat Buhay Foundation ang mga kahon ng relief packs na nanggaling sa DSWD.

Kuha ang larawan sa isang sasakyan na naglalaman ng mga goods na ipapamahagi sa mga binaha.

Ang Angat Buhay Foundation ay itinatag ni dating Vice President Leni Robredo matapos itong bumaba sa pwesto.