-- Advertisements --
image 122

Matapos ang halos apat na buwang pananatili sa mga pansamantalang tirahan dahil sa tumaas na aktibidad ng Bulkang Mayon, tumulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng regional office nito sa Bicol, sa decampment ng mahigit 2,000 evacuees.

Ang mga evacuees ay pinayagan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na makauwi sa kanilang mga tahanan kasunod ng patuloy na pagbaba ng aktibidad ng bulkang Mayon.

Ang DSWD Field Office 5 (Bicol Region) ay tumulong sa decampment ng 2,106 na pamilya mula sa mga munisipalidad ng Malilipot, Tabaco, at Camalig.

Nakatanggap ang mga umuuwi na pamilya ng family food packs (FFPs) bilang take-home assistance mula sa DSWD para matiyak na may makakain sila sa kani-kanilang bahay.

Naglabas din ang Bicol regional office ng 7th wave ng food assistance, sa mga apektadong local government units (LGUs) bago ang decampment ng mga evacuees.

Dagdag pa rito, ibibigay ang ikalawang tranche ng emergency cash transfer sa mga apektadong pamilya bilang bahagi ng early recovery services ng DSWD

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, na siya ring tagapagsalita ng ahensya, na mayroon pa ring 189 na pamilya sa Camalig na hindi pinayagang makauwi sa kanilang mga tahanan dahil malapit ang mga ito sa 6-kilometer permanent danger zone ng Bulkang Mayon.