Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi kailangan ng Comelec certification upang makakuha ng tulong pinansiyal ang mga kwalipikadong tsuper ng pampublikong transportasyon.
Ginawa ng DSWD ang paglilinaw kasunod ng mga ulat sa cash relief ng ahensiya, matapos hingan umano ang habal-habal drivers ng certification form mula sa Comelec office sa Cebu City.
Ayon kay DSWD spokesperson ASec. Irene Dumlao, tanging lisensiya lamang ang hinihingi mula sa mga tsuper para mapabilis at hindi na sila mahirapan pang kumuha ng cash aid.
Klinaro din ni Dumlao na ang P5,000 tulong pinansiyal sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ay para lamang sa mga kwalipikadong PUV drivers na apektado ng nagdaang mga pagtaas ng presyo ng langis.
Ang mga ibang sektor ay maaari aniyang kumuha ng cash relief sa DSWD offices sa ilalim ng AICS program.















