-- Advertisements --
granular lockdown makati

Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na paghahatian ng mga local government units (LGUs) at DSWD ang pamamahagi ng food packs sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na isasailalim sa granular lockdwon.

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, ang supply ng food packs sa unang pitong araw ay manggagaling sa lokal na pamahalaan.

Ang pangangailangan naman daw sa natitirang pitong araw ng quarantine ay manggagaling sa supply ng DSWD.

Katumbas daw ito ng tatlong family food packs para sa isang pamilya.

Simula raw sa Setyembre 24 hanggang Oktubre 1 ang mga food packs ay manggagaling na sa DSWD.