Ipinagpatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office ang pagproseso ng Step 1 ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pangunahing tanggapan nito sa Batasan Road, Quezon City.
Kasama sa Step 1 ang pagrepaso sa mga paunang dokumento at pag-isyu ng schedule sa mga kliyente para sa mga susunod na hakbang para sa kanilang mga kahilingan para sa tulong.
Mula Marso 13 hanggang Abril 21, idinaos ang Step 1 processing sa QC-X Building ng Quezon Memorial Circle upang bigyang-daan ang pagsasaayos sa DSWD Central Office para sa mas komportableng processing area para sa mga kliyente nito.
Ang pagproseso ng request for assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation, tulad ng medikal, bayarin sa ospital, transportasyon, at libing, bukod sa iba pa, ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Hinikayat ng DSWD ang mga kliyente nito na magdala ng kumpletong mga dokumento para mapadali ang pagproseso ng kanilang mga kahilingan.
Una na rito, ang programa ay ipinatupad sa buong bansa at ang mga kliyente ay pinapayuhan na humingi ng tulong sa DSWD field office o satellite center na malapit sa kanilang tinitirhan.