Hinimok ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary at spokesperson Romel Lopez ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ginagamit o sinasangkalan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para manligaw sa mga botante.
Aniya, hindi dapat magpa-uto sa mga kumakandidato sa barangay na iniaalok ang 4Ps membership kapalit ng kanilang boto.
Nauna nang hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang DSWD na tiyaking hindi gagamitin ang 4Ps sa darating na BSKE.
Giit ni Lopez na hindi paraan o dapat na gawing dahilan ang kanilang programa upang manalo sa lokal na hahalan.
Sinabi ni 4Ps national program manager Director Gemma Gabuya na tinitiyak ng Human Capital Development (HCD) ng DSWD na ang mga anak ng mahihirap na pamilya ay mabibigyan ng pinakamahusay na pagkakataong lumaban ng patas din para sa lokal na halalan.
Nauna nang inaprubahan ng Pantawid Pamilya’s National Advisory Council (NAC) ang Resolution No. 1 na pinagtibay ang Social Welfare and Development Indicators (SWDI) bilang tool sa exit procedure para sa 4Ps household beneficiaries.