-- Advertisements --
Gentle Hands Inc

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa silang ibalik ang mga bata sa pangangalaga ng Gentle Hands orphanage sa Quezon City kung susunod ito sa mga alituntunin at tutugunan ang mga umano’y paglabag nito.

Ayon sa ahensya, hindi naman nila aangkinin ang mga bata ngunit nais nilang masiguro ang kalinisan at seguridad sa loob ng Bahay ampunan na Gentle Hands Inc.

Kung matatandaan kasi, isang cease and desist order ang inilabas laban sa orphanage para sa iba’t ibang dahilan, kabilang ang overcapacity at hygiene concerns.

Sinabi ni DSWD Asec Romel Lopez na kabilang sa mga paglabag ng orphanage ay ang overcrowded, hygiene concerns at kakulangan ng mga social worker.

Aniya, sa kasalukuyan, ilan sa mga bata ay na inilipat sa Elsie Gaches Village sa Alabang, Nayong Kabataan sa Mandaluyong, at isa pang pasilidad sa Quezon City.

Dagdag dito, iniimbestigahan din ng nasabing departsmento ang mga alegasyon na nawawala ang ilang mga bata sa ampunan.

Una na rito, binigyan ng DSWD ang Gentle Hands ng 20 araw para sagutin ang mga isyu na ibinabato ng ahensya laban sa kanila.