LEGAZPI CITY- Nakapagpaabot na ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang lumikas dahil sa mga pagbaha na dala ng nararanasang sama ng panahon sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DSWD-Bicol Disaster Response Management Division Chief Marites Quismorio, nasa 1,554 na food packs na ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya sa bayan ng Camalig sa Albay, gayundin sa Daet Camarines Norte, San Miguel Catanduanes ay iba pang mga bayan sa Masbate na nakapagtala ng mga pagbaha.
Batay sa ulat na natanggap ng ahensya nasa 120 indibidwal ang lumukas kung saan mula ang mga ito sa Mercedes, Camarines Norte at Uson, Masbate.
Ang mga naapektuhan naman ng pagbaha sa lalawigan ng Sorsogon ay sumasailalim pa sa berepikasyon subalit nakahanda na rin ang relief goods na ipapamahagi sa mga ito.
Samantala, nakapagtala na rin ng dalawang partially damaged na kabahayan sa Panganiban, Camarines habang dalawa rin ang partially damage sa Panganiban, Camarines kaya agad na namahagi ng hygiene kits ang ahensya.
Kaugnay nito, agad na nilinaw ng ahensya na hindi pa maaaring makapagbigay ng shelter assistance ang DSWD dahil nasa kamay pa ito ng Department of Human Settlements and Urban Development.