Nasa halos 1,000 mula 1,528 local government units (LGU) sa bansa ang nakatapos sa pamamahagi ng cash subsidy bago ang deadline ng Social Amelioration Program distribution.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 958 ang eksaktong bilang ng LGUs na natapos sa pamimigay ng ayudang pinansyal sa kanilang mga residente.
Ang ibang LGU na bigong matapos bago ang deadline ay nagsumite daw ng request sa Department of the Interior and Local Government para mabigyan sila ng sapat na oras para tapusin ang distribusyon.
Mandato ng bawal local government unit na magsumite ng liquidation report sa DSWD sa loob ng 15 araw matapos ang deadline.
Requirement daw ito para matanggap nila ang budget para sa second tranche ng ayuda.
Sa ngayon higit 100 LGUs na raw ang nag-submit ng kanilang liquidation reports sa DSWD.