-- Advertisements --

Posibleng sa huling linggo uli ng Marso ideklara ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ang dry season o panahon ng tag-init.

Ito’y bagama’t marami sa social media ang iniinda na ang mainit na panahon kahit hindi pa tapos ang pag-iral ng malamig na hanging amihan.

Ayon kay Chris Perez ng PAGASA, asahang unti-unti nang mawawala ang northeast monsoon dahil karaniwang nararanasan ng Pilipinas ang mainit na temperatura simula Abril.

“We are expecting that most parts of the country will experience generally warmer termperatures as amihan is expected to terminate between the second week up to the last week of March,” ani Perez sa isang panayam.

Noong nakaraang taon, March 22 nang pormal na ideklara ng PAGASA ang dry season.

Samantala sa latest weather bulletin ng PAGASA, nakasaad na dahil sa “tail end of a cold front” ay mayroong maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Isabela, Quirino, Aurora, at Quezon Province.

Habang ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at iba pang bahagi ng Cagayan Valley ay may maulap ding panahon na may kasamang pag-ambondahil sa northeast monsoon.

Sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa, asahan ang bahagyang maulap na panahon na may isolated thunderstorms na dulot ng easterlies.