-- Advertisements --
NAGA CITY – Nanindigan si AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. sa pagkontra sa panukalang ban ng provincial buses sa kahabaan ng EDSA.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Garbin na walang sapat na basehan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ituloy ang naturang hakbang.
Suportado naman daw ng kongresista ang gagawing dry run sa August 6 at 7 pero hindi umano ito indikasyon ng kanyang pag-suporta sa buong plano.
Umapela rin si Garbin sa MMDA na magkaroon ng window hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga para makadaan ng EDSA ang provincial buses.