-- Advertisements --
image 50

Nagsimula na ang dry run sa cashless toll collection sa ilang expressway, para mas mapabilis ang usad ng byahe.

Ibig sabihin hindi na mangongolekta ng cash sa mga expressway kundi ay Radio Frequency Identification o RFID sticker nalang

Libre ang pagpapakabit ng RFID sticker at load lang nito ang kailangan bayaran, pinakamababa naman ang P100 na pwedeng e-load dito.

14 sa mga toll gate sa mga easy trip users at 9 na toll gate naman sa mga autosweep users ang hindi na tatanggap ng cash payment simula ngayon. (Sept. 1, 2023)

Kabilang sa unang batch na magpapatupad ng cashless toll collection ang 14 na toll gate sa mga easy trip users kung saan 8 dito ang nasa NLEX, 2 sa SCTEX, 2 sa CAVITE-LAGUNA expressway o CALAX at 2 naman sa MANILA-CAVITE Toll expressway C5 Link.

9 na tollgate naman ang kasali sa autosweep users kabilang ang NAIA expressway, SLEX, STAR TOLLWAY, MCX at TPLEX at ilang gate sa Skyway.

Hindi pa naman binabawalan ang mga sasakyang wala pang sticker pero hinihimok na ang mga ito na magpakabit. Sa ngayon nasa 70% na sa mga motorista ang gumagamit ng Radio Frequency Identification.

Dalawang buwan magtatagal ang dry run. Kapag naging matagumpay ito ay saka dadagdagan ang cashless tollgate.