NAGA CITY – Patay ang isang drug suspect matapos umanong manlaban sa operasyon ng mga pulis sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawing suspek na si Regino Baylon, 44.

Batay sa ulat ng Pili Municipal Police Station, agad bumunot ng calibre-.45 na baril si Baylon nang mabatid na pulis ang kapalitan nito ng biniling iligal na droga.

Gumanti naman ng putok ang pulisya na siyang sanhi ng pagkamatay ng salarin.

Nakuha mula kay Baylon ang P1,000 at dalawang medium size plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.