CENTRAL MINDANAO- Isa ang nasawi, isa ang nahuli at isa ang sugatan sa anti drug operation sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Jomer Buntulan Biang at nahuli ang kanyang kasama na si Buhari Panambulang Dimasangkay.

-- Advertisement --

Isang pulis naman ang nasugatan sa palitan ng bala laban sa mga suspek.

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat Police Provincial Office na nagsagawa ng anti-drug operation ang President Quirino PNP katuwang ang Buluan PNP at 40th Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Pedtubo President Quirino Sultan Kudarat.

Ngunit tumakbo ang mga suspek kaya hinabol ito ng mga pulis at sundalo hanggang umabot sa Brgy Poblacion Buluan Maguindanao.

Nagpaputok ang mga suspek kaya gumanti din ang mga otoridad kung saan napatay si Biang at nahuli si Dimasangkay.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre.45 na pistola,ilang pakete ng shabu,drug paraphernalia,pera,dalawang motorsiklo at ibang personal na kagamitan.

Nakapiit na sa costudial facility ng Buluan PNP si Dimasangkay at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.