Patay ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa San Pedro, Laguna.

Kinilala ang nasawing suspect na si Gerry Bao na nasawi pasado alas-11:00 ng gabi nitong Linggo sa riles na sakop ng Philippine National Railways.

Batay sa ulat, dead on arrival sa ospital ang salarin matapos umanong mabatid na pulis ang kapalitan nito ng binibentang suspected shabu.

Nakuha mula sa crime scene ang isang sachet ng pinaghihinalaang iligal na droga at calibre-.38 na baril.