Sobejana
6th Infantry Division Commander, MGen. Cirilito Sobejana

Arestado ang isang drug personality sa isinagawang random checkpoint operations ng militar sa Sitio Tamlang, Barangay Kiladap, Talitay, Maguindanao nuong Biyernes Santo.
Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Major Arvin Encinas,naaresto ng pinagsanib na pwersa ng 90th Infantry Battalion at Talitay Municipal Police Station ang drug personality na nakilalang si Mastura Esmail Hassan.
Nakuha sa kaniyang posisyon ang isang heat sealed transparent plastic na na may laman ng hinihinalaang shabu na may market value na P1,700.00; isang pirasong lighter, totter, celpphone, P160.00 cash, at isang motorsiklo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Talitay PNP ang arestadong drug personality na sinampahan na ng kaso.
Tiniyak naman ni 6th ID Commanding General, Major Gen. Cirilito Sobejana na magiging relentless din ang kanilang kampanya laban sa mga drug personalities na nag-ooperate sa kanilang areas of responsibility kasama ang PDEA at PNP.