Reading Time: 1 minute

CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang monitoring ng San Guillermo Police Station sa kanilang mga drug surrenderers sa kabila ng pagiging drug cleared Muncipality ang San Guillermo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pol. Lt. George Dayag, OIC ng San Guillermo Police Station sinabi niya na araw araw pa rin nilang minomonitor ang kanilang mga drug surrenderers dahil kung babalik sila sa dating gawain, maliban sa makakasuhan ulit sila ay babalik din sa back to zero ang nasabing bayan para sa drug clearing operation.

Patuloy din ang kanilang pagbisita sa mga barangay na drug affected noon.

Mayroon din aniya silang hindi madalas na napupuntahan lalo na ang mga malalayong barangay.