-- Advertisements --

NAGA CITY- Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bicol ang isang drug den sa Barangay Triangulo, Naga City.

Sa operasyon, anim na drug personalities ang naaresto ng mga otoridad.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Ruth Abulo, 36; Edgardo Nuñez; Erwin Cecilio, kapwa 32; Kenneth Bacolor, 26; Abegail Abesa, 2 at Edmar Madlangbayan, 18.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PDEA-Bicol, nabatid na nasa 16 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang nasabing suspek habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

-- Advertisement --