oath taking of CJ Peralta
oath taking of CJ Peralta/ Sen. Bog Go image

Itinalaga na ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta si Judge Grace Chavez-Ty para hawakan ang kasong iligal na droga laban kay Sen. Leila de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 256.

Si Judge Ty ay kasalukuyang hukom ng Manila RTC Branch 177 at siya ring presiding judge ng Manila RTC Branch 44.

Sa administrative order ni Peralta, itinatalaga na rin si Ty bilang acting presiding judge ng Muntinlupa RTC Branch 256.

Dahil sa kanyang bagong posisyon, pinabibitiwan na rin ng SC ang paghawak ni huwes sa paghawak sa Branch 44 ng Manila RTC.

Una rito, sumulat ang senadora sa Korte Suprema para ihirit na magtalaga ng panibagong hukom sa kasong iligal na droga laban sa kanya na nakabinbin sa Muntinlupa RTC Branch 256.

Ang hukom na pansamantalang itinalaga sa kaso niya bilang pairing judge na si Muntinlupa RTC Branch 276 Judge Antonietta Medina ay nag-abisong hindi na magsasagawa ng ano mang pagdinig sa drugs case.

Binanggit ng senadora, dalawang beses na ring nag-inhibit si Medina sa isa pa niyang nakabinbing kaso ng droga sa Muntinlupa court dahil sa kaklase at kumare niya si De Lima.

Bago si Medina, Si Branch 256 Presiding Judge Gener Gito na nauna nang inalis ng SC.