-- Advertisements --

Nag-alok ang Department of Transportation at Office of Transport Cooperatives ng tulong para makapagbigay-trabaho sa mga tsuper na bigong makapag consolidate sa December 31, 2023 deadline.

Ayon sa ahensya, tutulungan nila na magkaroon hanapbuhay ang mga PUV drivers na hindi nakapag consolidate sa loob ng kooperatiba o korporasyon.

Habang ang mga consolidated traditional jeepneys naman na pumasa sa standard ay binibigyan ng 27 na buwan bago palitan ng mga environment friendly modernized jeepneys.

Base sa huling tala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, hindi bababa sa 190,000 na units na ang na-consolidate.

Mahigit 1,700 na kooperatiba at korporasyon naman ang natayo simula nang nagsimula ang PUV modernization program noong 2017.

Nilinaw naman ni Office of Transport Cooperatives Chairman Andy Ortega na maaaring pumili ang mga transport groups ng mga supplier ng modern PUV.

Ito ay sa kabila ng kaliwa’t-kanan na hinaing ng mga transport groups sa mahal na presyo ng mga imported modernize vehicles.

Dagdag pa ni Ortega na nilalayon ng gobyerno na makapang-hikayat ng mas marami pang local manufacturers ng mga modernize PUV.

Kung babalikan, bibigyan na lamang ng hanggang Enero 1 ang mga unconsolidated jeepneys para bumyahe.