Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakapag-bayad ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ang driver na nakabangga at nakapatay sa dalawang overseas Filipino workers (OFW) sa Singapore kamakailan.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, inaalam pa ng kanilang tanggapan kung kailan ang petsa ng paghahain ng suspek sa bail nito.
Tiniyak naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) head Hans Leo Cacdac na buong benepisyo ang makukuha ng mga biktima tulad ng para sa burol, libing, at pang-kabuhayan ng naulilang pamilya.
Ito’y dahil aktibong miyembro umano ang anim na biktima ng aksidente.
Una ng nakauwi sa bansa ang labi ni Arlyn Picar Nucos nitong Miyerkules.
Bukas naman inaasahan ang pagdating ng bangkay ni Abigail Leste.
Samantala, nananatiling naka-confine sa isang pampublikong ospital sa Singapore ang tatlong iba pang biktima.
Habang na-discharge na ang isa pa nilang kasamahan.