CAGAYAN DE ORO CITY – Naisampa na ng Task Force Kalikasan at ng Iligan City Police Office ang kasong violation of the Tariff and Customs Code of the Philippines laban sa driver at pahenante ng truck na siyang kumarga ng dawalang daang kahon ng mga pekeng sigarilyo, ngayong umaga.
Kinilala ni Iligan City Information Officer Joe Pantoja ang mga nakasuhan na sina Mark Eugene Fernandez Dolorican, 24, ang truck driver at ang helper nito nga si Ronni Concepcion Baquiran, 29, kapwa mula Zamboanga City.
Sinabi ni Pantoja na na-intercept ng mga otoridad ang illegal na kargamento sa Iligan City kung saan galing pa ito sa Zamboang at patungong Davao City.
Walang maipakitang dokumento ang mga suspek sa isinagawang checkpoint ng Iligan City Police kung kayat kaagad itong nilagay sa piitan.
Nagkakahalaga sa mahigit P4-Million ang nga narekober na mga pekeng sigarilyo.