Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Commission o Audit na magsagawa ng special audit sa Philhealth sa gitna ng issue ng korapsyon sa ahensya.

Nababahala si Drilon sa mga problemang kinakaharap ng state health insurer, gayong nagsa-subsidize ng Philhealth ang malaking bahagi ng hospital bills at iba pang pangangailangang medical ng mga pasyente.

Ayon sa senador, sa pamamagitan ng special audit ay detalyado ang pagsusuri at mga hakbang na gagawin sa PhilHealth, at para makita na rin kung magkano na ang lugi nito.

Sa ngayon, aabot na raw kasi sa P26 billion ang net operating loss ng PhilHealth sa nakalipas na limang taon, bukod pa rito ang P48 billion na unpaid claimes.

Dagdag pa nito, ngayong ganap nang batas ang Universal Health Care Act, mangangailangan na rin ang PhilHealth ng mas marami pang pondo para patuloy na makapagbigay ng serbisyo sa taumbayan.

Tinataya na pagsapit ng 2020, mangangailangan ang PhilHealth ng P257 billion na posible pang tumaas sa P319 billion pagsapit naman P2024.

Samantala, igniit ng senador na kailangan na magkaroon na ng reporma sa collection system ng PhilHealth.

“Tingnan natin kung ang collection efficiency ng Philhealth, may mga nagsasabi na 50 porsiyento lamang ng collectibles ang nakokolekta. Kailangan i-examine natin ang sistema, systems analysis. Hindi yung dagdagan natin ng daan-daang tao,” ani Drilon.