-- Advertisements --

Naniniwala ang isang public health expert na may senyales na nang “pag-flat ng curve” o pagbaba ng COVID-19 infection sa National Capital Region, kung saan may pinakamaraming kaso sa bansa.

Ayon kay Dr. John Wong, isang associate professor sa Ateneo School of Medicine, lumawak pa ng 4.6-days ang doubling time ng infection ng sakit sa buong Pilipinas,

Mas mataas na raw ito mula sa 2.5-day na baseline.

Kung hindi naman isasama ang NCR, nasa 5.8-days ang doubling time sa Luzon. Sa Visayas ay 5.4-days, habang sa Mindanao ay 5.3-days.

Kung maaalala, ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) ang “doubling time” na pagitan ng mga araw bago dumoble muli ang kaso ng COVID-19.

“By April 1, the case doubling time took three days, and it has flattening at a more dramatic rate. In National Capital Region where 70% of the COVID-19 cases are, the flattening is more evident,” ani Dr. Wong.

“Even if we add the latest COVID-19 cases (for the last 10 days), it will not substantially pick up the curve. The doubling time of cases and deaths have been slowing down,” dagdag pa ng ekserto.

Lagpas pitong araw na raw ang doubling time ng mga namamatay sa Luzon. Hindi pa kasali rito ang NCR.

Para kay Health Usec. Vergeire, magandang indikasyon ang iniulat ng eksperto.

“We must not be complacent, as we have to make sure that our health capacity will be able to address the expected surge of cases once the quarantine is lifted.”

Sa kasalukuyan, nasa 10-percent umano ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.

Kabilang si Dr. Wong data analytics expert group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“The ECQ (enhanced community quarantine) does not have an immediate effect. It takes time,” ayon sa eksperto.