Umaasa ang Department of Justice (DoJ) na ikokonsidera ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang komento sa Anti-Terror Bill.
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Gueverra na ngayong araw nila isinumite sa Office of the President ang draft ng komento.
Ito ay kasunod na rin ng pagpupulong ng mga DoJ officials at masusing pinag-aralan ang bawat bahagi ng nasabing panukalang batas.
Naniniwala nama n si Guevarra na ikokonsidera rin ng Pangulong Duterte ang komento ng iba pang mga ahensiya ng gobyerno na hiningian din ng paliwanag ng Office of the Executive Secretary.
Sa kasalukuyan ay ayaw munang ihayag ni Guevarra ang nilalaman ng komento ng DoJ dahil ito aniya ay strictly o highly confidential para hindi makompromiso ang isinusulong na batas sa anti-terrorism.
Mas mainam aniyang ang Malakanyang na mismo ang magdesisyon kung isasapubliko o hindi ang komento ng DoJ sa Anti-Terror Bill.