Pinasalamatan ni Dr. Anthony Leachon ang National Task Force on corona disease 2019 (COVID19) matapos na ito ay umalis sa puwesto.

Sinabi nito na sa maiksing panahon ay marami na rin itong nakilala at marami na rin itong natutunan.

Malaki ang respeto nito sa nasabing task force at siya ay nag-move on.

Ilan sa mga binanggit na dahilan kung bakit siya ay pinagbitiw ay ang pagsalungat niya sa ilang mga ginagawa ng task force.

Sa inilabas na video nito sa kaniyang social media, tiniyak nito na makikipagpulungan pa rin sa Department of Health para sa pagsugpo ng coronavirus.

Magugunitang noong June 13 ay naglabas ito ng pagkadismaya sa pagresponde ng DOH sa COVID-19.