Ang minsang pagtatangka ni Hayden Kho sa kanyang buhay, ang nagsilbing daan kaya napagtanto ng ngayo’y kanyang asawa na si Dr. Vicki Belo, para bigyan ng isa pang pagkakataon ang kanilang relasyon.

Pambihirang pagkakataon ito ng mag-asawa na mag-detalye kaugnay ng kinasangkutang sex video scandal ni Hayden noong 2009, sa mga aktres na sina Katrina Halili at Maricar Reyes.

Ayon sa 65-year-old celebrity doctor, ipinangako nito sa sarili na kapag nakaligtas si Hayden ay hindi na niya ito iiwan muli.

“‘Cause I can see, I was very sure na he’s very kind. But I also know that he was molested by a gay guy when he was like eight years old,” saad pa nito sa online show ni Toni Gonzaga.

Toni on Hayden Vicki

Nabatid na nagsimula ang kanilang hindi inaasahang love story ay sa mismong 25th birthday ni Kho kung saan noong nagkakilala sila ay naisip niyang ireto ito sa kanyang anak na si Cristalle Henares.

-- Advertisement --

Gayunman, siya rin pala ang makikipag-date sa aniya’y “tall, handsome, funny, and smart” doctor.

Taong 2017 nang ikinasal sila sa kabila ng isyu sa 25 years na age gap at nabiyayaan ng isang anak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng surrogate mom.

Todo pasasalamat si Hayden dahil kahit labis nitong nasaktan ang nakatatandang girlfriend noon ay tinulungan pa rin siya na maka-move on.

“The only way you could truly love a person is if you know everything about that person, everything! All the darkest secret — everything that that person doesn’t wanna share with anyone because it’s too embarrassing or too dark,” wika ni Kho.

“But once you’ve known that person that well and still accept that person, still love that person — that is love!”