-- Advertisements --
Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan na kaniyang ipagpapatuloy at tatapusin ang mga multi billion projects na naimplementa sa nakaraang administrasyon.
Sa kaniyang pakikipagpulong sa mga regional at national officials nanawagan ito ng pagtutulungan.
Itinuturing kasi ni Bonoan bilang homecoming sa nasabing ahensiya dahil mahgiit apat na dekada itong nagtrabaho sa DPWH hanggang magretiro ito noong 2010 bilang Senior Undersecretary.
Pinalitan ng kalihim si Acting Secretary Roger G. Mercado.