-- Advertisements --
image 564

Nakipagpulong ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba pang international agencies at kumpanya sa Global Infrastructure Cooperation Conference (GICC) 2023 sa South Korea.

Ang mga opisyal ng bansa sa kaganapan ay sina DPWH secretary Manuel Bonoan, senior undersecretary Emil Sadain, kasama ang DPWH Unified Project Management Office operations project directors Ramon Arriola III at Benjamin Bautista.

Nakipagpulong sila sa South Korean Minister of Land, Infrastructure, at Transport Hee-ryong Won, gayundin sa iba pang mga pinuno ng imprastraktura mula sa iba’t-ibang bansa.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ng mga pampubliko at pribadong sektor sa South Korea at naglalayong magtatag ng isang forum para sa mga isyu sa imprastraktura.

Ang kaganapan ay makakatulong sa Pilipinas upang mapalakas at mas maisaayos pa ang pag-agnkop ng bansa sa mga infrastracture projects.