Nagkasa ng road reblocking and repairs ang Department of Public Works and Highways sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority, isinara mula alas-11:00pm kagabi, Marso 15, angilang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na inaasahan namang magtatagal hanggang alas-5:00am sa Lunes, Marso 18, 2024.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod:
– Taft Avenue cor., Pedro Gil, Manila City
– EDSA (Southbound), J.P Rizal Avenue to Orense 3rd lane from sidewalk, Makati City
– EDSA (Northbound), EDSA Northbound Balintawak After LRT Station (1st lane), EDSA Northbound Balintawal After Oliveros Footbridge (1st lane), EDSA Northbound Balintawak Before Oliveros Footbridge (1st Lane), Caloocan City.
Isinara rin bandang alas-10:00pm kagabi, Marso 15, ang kahabaan naman ng West Avenue- Ligaya Street patungong Del Monte Avenue at Batasan- Commonwealth Tunnel, Filinvest 1 Road to Commonwealth na inaasahan namang muling bubuksan sa Marso 22 bandang alas-5:00am upang magbigay daan din sa isinasagawang road repairs sa lugar.
Samantala, sa gabi naman nagsagawa ng asphalth overlay activities ang DPWH mula alas-11:00pm kagabi na tatagal hanggang alas-5:00am sa Marso 26 sa mga sumusunod na kalsada:
– Aurora Boulevard Westbound from Yale to Annapolis
– Kamias Road, Quezon Coty (from Kasing-Kasing Street to before Anonas Street)
Dahil dito ay pinapayuhan naman ang mga apektadong motorista na gumamit muna ng mga alternatibong ruta ngayong weekend.
Kung maaalala, una nang nagbabala ang Department of Transportation hinggil sa inaasahang mararanasang matinding trapiko sa kalsada ngayon weekend mula sa Port Area in Manila patungong Camp Aguinaldo sa Quezon City nang dahil sa pagsasara ng ilang kalsada para naman magbigay-daan sa transportation ng Tunnel Boring Machine para sa Metro Manila Subway Projects mula Marso 15 hanggang Marso 17, 2024.